Monday, June 20, 2011

Ang Pagpapakilala ni Lala Lakwachera I: Bato, Bato sa Langit... Punyeta ang Tamaan 'Di Magalit

PASINTABI PO: Ang sulating ito ay HINDI inilathala upang patamaan ang sino man bagkus ay isinulat upang mabigayan buhay ng husto sa isipan ng mga mambabasa ang katauhan ng may akda.







Ako ay isa sa pinakamaharot, pinakamakulit at marahil ay isa sa pinaka baliw na taong maikikilala mo. Subalit, sa kabila ng kaharutan, kakulitan at kabaliwan hindi ko nakakalimutan ang rumespeto sa kapwa at sa kanyang damdamin. Ito ay natural sa aking pagkatao. Isang aral na hindi na itinuro pa ng sino man sa akin. Lahat naman siguro eh dapat ganun, hindi ba? kaya hindi ko maintindihan kung bakit sa maraming pagkakataon eh may mga tao akong nakikilala na nakakalimot sa salitang RESPETO.


May ilang beses na hindi rin ako sineseryoso ng mga kausap ko sa kadahilang makulit nga daw ako at maharot at sadyang hindi kaseryo-seryoso. Pero sa mga pajkakataong ganito hindi ko nakuhang mapikon o maasar man lang sa kausap o kabiruan ko. Para sa akin kung marunong kang mang-aasar ay wala kang karapatang mapikon bagkus dapat mong matutunan kung paano mo maibabato pabalik sa kausap mo ang birong itinapon nya sa iyo.


Kung insultuhan ang pag-uusapan hindi rin ako magpapatalo sa larangang iyan lalu pa't pagkatao ko na ang usapan. Hindi ko mapapayagan ang sino man na paglaruan ako at ang aking pagkatao. Na-master ko na ata ang pang-iinsulto dahil na rin siguro sa mga insultong nakuha ko sa iba't ibang klase ng tao. 'WAG KANG MANG-IINSULTO KUNG AYAW MONG MAINSULTO. Hindi man ako marunong mapikon o maasar kung sa pang-aasar LANG o kahit sa isang insulto pa eh HINDI rin ako marunong magalit... Sa ibang pagkakataon o pangyayari eh kaya ko naman magalit. At masama akong magalit. At hindi ko gusto ang nagagalit... Nakakapangit. hahahaha... Pero totoo ako naman ay isa lang ding tao, normal na marahil ang ganito at wala namang bago kaya mas magandang iwasan kaysa subukan.


Sa lahat ng ito, 'eto lang ang ganang akin... Kung wala ka ng RESPETO sa sarili mo WAG mong idamay ang ibang tao sa paligid mo. Kung wala kang magawa at mapagtripan wag mo ng ibaling sa iba ang sira ng ulo mo bakit hindi sarili mo ang subukan mong pagtripan baka naman sa ganung paraan eh masiyahan ka at makuntento na. At WAG gawing katarantaduhan ang seryosong bagay sa iilan kung ang magiging resulta ay hindi mo naman kayang pangatawanan.


Muli, Bato, Bato sa Langit... Punyeta ang Tamaan 'Di Magalit. Kasalanan mo yan kung may pagkakataon ka naman bakit binasa mo pa 'di tinamaan ka. Sinong Tanga?

No comments:

Post a Comment